INUGA ng magnitude 4.6 na lindol ang Zambales kaninang alas-2:27 ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng Phivolcs na naitala ang lokasyon ng lindol na may lalim na 35 kilometro, apat na kilometro katimugan ng Masinloc.
Naitala ang intensity II sa Quezon City, Makati City at Olongapo City, Zambales; intensity I sa Marikina City; Plaridel, Bulacan; Guagua, Pampanga; Dagupan City, Pangasinan; Gapan City at Nueva Ecija