HINDI na problema ng mga kababaihan sa lalawigan ng La Union ang pagpasok sa trabaho lalo na kung may menstruation period ito.
Inilabas ang Executie Order No. 25 na nagpapahintulot sa mga babaeng empleyado ng pamahalaang panlalawigan na magtrabaho sa bahay ng dalawang araw sa isang buwan tuwing meron silang “dalaw”.
“I hope that with this EO, we can spread awareness and be kinder to our female employees lalong-lalo na sa kanilang period days,” ayon kay Gobernador Raphaelle Veronica Ortega-David, na siya ring pumirma ng EO 25.
“To all our female employees, this EO is my hug to each of you. Sa ating administration, patuloy tayong makikinig sa pangangailangan ng ating mga empleyado at ng buong Kaprobinsiaan,” dagdag pa niya.