MALAKING dagok sa hanay ng New People’s Army sa Central Visayas ang pagkakapatay sa sinasabing spokesman ng grupo na si Romeo Nanta o Juanito Magbanua sa nangyaring enkwentro sa barangay Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental nitong Lunes.
Ayon sa Armed Forces, si Nanta o Magbanua ay ang spokesperson ng NPA’s Apolinario Gatmaitan Command at commanding officer ng Regional Operational Command ng NPA units na nag-ooperate sa Negros Island buong Central Visayas.
Napatay si Nanta o Magbanua matapos ang 10-minutong palitan ng putok alas 5:25 ng hapon.
Ito ay matapos ang isinagawang hot pursuit operation ng mga tauhan ng 94th Infantry Battalion sa Carabalan na nagsimula noon pang Oktubre 6 hanggang sa makaenkwentro ang 10 rebelde na kinabibilangan ni Nanta.
“His death will surely bring a domino effect,” pahayag ni Major General Benedict Arevalo ng 3rd Infantry Division Commander.