NANANATILI ang pag-aalburuto ng bulkan Taal, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa latest bulletin ng Phivolcs, nakapagtala ng isang volcanic earthquake at “low-level background tremor” ang bulkan sa nakalipas na 24 oras.
“The activity at the main crater was dominated by upwelling of hot volcanic fluids in its lake which generated plumes up to 500 meters tall that drifted to the southwest,” dagdag pa ng Phivolcs sa kanilang ulat.
Nanatili sa Alert Level 2 ang sitwasyon sa Taal Volcano, kasabay nang pagpapaalala sa PUBLIKO na posibleng magkaroon ng biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at lethal accumulations sa paligid ng bulkan.