Rabiya Mateo hindi pa tinutuldukan relasyon sa BF

INAMIN ni Miss Philippines-Universe Rabiya Mateo na komplikado ang relasyon nila ngayon ng kanyang boyfriend na si Neil Salvacion.

“It’s a complicated situation and we need to talk about things when I go back to the Philippines,” chika ni Rabiya sa isang panayam sa telebisyon.

Aniya, magkaibigan naman sila pero kailangan pa rin nilang pag-usapan ito pagbalik niya ng Pilipinas.

“We’re friends, we’re friends. I still tried to contact him but we need to have this space together as of the moment.”

Dagdag pa niya, nangyari na rin sa kanila iyon sa loob ng pitong taong relasyon nila.

“But I’m not closing any doors, we’ve been in this kind of situation before. We’ve been together for seven years and who knows po, who knows.”

Matatandaang naging usap-usapan na hiwalay na umano ang dalawa dahil sa pagbubura ng pictures ni Neil sa kanyang Instagram account.