NANATILING nasa Alert Level 2 status pa rin ang Taal volcano habang patuloy ang pagpaparamdam nito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Sa pinakahuling ulat ng Phivolcs alas-8 ng umaga Linggo, nakapagtala ang Taal ng 216 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa ulat, 117 sa mga pagyanig na ito ay tumagal ng mula isa hanggang 32 minuto.
At dahil patuloy pa ring nakataas ang Alert Level 2, binabawalan pa rin ang pagpasok ng mga tao sa Taal Volcano Island at Taal Permanent Danger Zone.
Nanawagan din ang Phivolcs sa mga lokal na pamahalaan na nakapaligid sa bulkan na panatilihin ang pagbabantay at maging alerto kung kakailanganin angpagpapalikas sa kani-kanilang mga residente.
“Local government units are advised to continuously assess and strengthen the preparedness of previously evacuated barangays around Taal Lake in case of renewed unrest,” pahayag ng ahensiya.