MATAPOS ang pananahimik sa loob ng 16 araw, muli na namang nagparamdam ang Taal Volcano ang naglabas na naman ng usok nitong Miyerkules.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology said, nagsimula na namang magbuga ng mataas na usok ang bulkan mula sa main crater nito alas 5:50 hanggang 6:15 ng umaga kanina.
Umabot anya ang usok ng 3,000 metrong taas.
Mula Martes hanggang Miyerkules ng umaga, nakapagtala namang ng 107 volcanic earthquake sa loob at paligid ng bulkan.
Kasalukuyang nasa Alert Level 2 ang Bulkang Taal, na nangangahulugan na magbubuga ito ng usok at gas-driven explosion, volcanic earthquake, minor ashfall.