SUV nakanal; 13 patay

NASAWI ang 13 katao, tatlo rito ay mga bata, nang dumire-diretso sa irrigation canal ang kanilang sinasakyan nilang SUV sa Tabuk City, Kalinga.


Labing-dalawa sa mga biktima ay kinilalang sina Remedios Basilio, Judilyn Talawec Dumayon, Jeslyn Dumayon, Shadarn Dumayon, Wadeng Lope, Damulat Lope, Marlo Pereña, Ezver Paycao, Scarlet Paycao, Sidewyn Agtulao, Edith Perez, at Cyrel Agtulao.


Nasa kritikal na kondisyon naman ang nga kasama nilang sina Jezebel Basilio at Soy Agtulao sa Kalinga Provincial Hospital.


Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver kaya nahulog ang sasakyan sa kanal sa Brgy. Bulo alas-6:13 ng gabi Sabado.


Papunta ang sasakyan sa Bulo Lake.