IBINABA na sa Alert Level 2 ang status ng Taal Volcano mula sa dating Alert Level 3 epektibo alas-8 ng umaga ngayong Sabado, 9 Abril 2022, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ito ay bunsod ng pagbaba rin ng aktibidad ng bulkan nitong mga nakalipas na araw kumpara sa mga naitalang phreatomagmatic eruption sa main crater nito noong Marso 31, 2022.
“Activity in the past two weeks has been characterized by a significant drop in volcanic degassing from the main crater and in the incidence of volcanic earthquakes,” sabi ng Phivolcs.
Ayon sa Phivolcs, maaari nang bumalik ang mga lumikas, bagamat bawal pa rin sa Taal Volcano Island.