SINABI ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator David Alba na irerekomenda niya kay Pangulong Bongbong Marcos na payagan ang pagbebenta ng mga nakumpiskang smuggled na asukal sa mga Kadiwa outlets para makinabang ang mga mamimili.
“I will make representation to the President to have these sugar sold through Kadiwa so the public can enjoy refined sugar at a lower cost,” sabi ni David.
Idinagdag ni David na kabilang sa mga nakumpiska ay ang 80,000 bag ng smuggled na asukal sa Batangas port noong isang linggo at 4,000 metric tons o P240 milyong halaga ng smuggled na asukal mula sa Thailand.
Nauna na ring sinabi ng Department of Agriculture (DA) na nakumpiska ang P19 milyong smuggled na asukal sa Manila International Container Port (MICP).