Public school teacher sa araw, drug pusher sa gabi

SWAK sa kulungan ang guro ng pampublikong paaralan na naaresto habang nagbebenta umano ng shabu sa Nabunturan, Davao de Oro kamakailan.


Nakuha sa suspek, 40, ng Purok 2, Poblacion, ang P10,000 halaga ng shabu.


Ayon sa pulisya, kasama ang suspek sa listahan ng mga high-value targets sa nasabing probinsya.


Nasakote ang guro makaraang bentahan ng droga ang poseur-buyer cop noong Sabado ng gabi.


Dinala rin sa presinto ang limang kliyente ng guro na naaktuhan sa drug den.


Narekober sa kanila ang limang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P165,000.