SINABI ng Department of Agriculture (DA) na umabot na ng P315.3 million ang pinsala sa agrikultura dulot ng mga pag-ulan at mga pagbaha bunsod ng shear line at Northeast Monsoon sa MIMAROPA, Bicol, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga.
Sa pinakahuling ulat ng DA, sinabi nito na kabilang sa mga apektado ay 10,182 magsasaka at mga nawalang produksyon na aabot sa 3,049 metric tons (MT) at plantasyon sa mahigit na 15,566 ektarya.
“Affected commodities include rice, corn, high value crops, livestock and poultry,” sabi ng DA.
Ayon sa DA, pinakamalaking pinsala ay naitala sa mga palayan kung saan umabot sa P297.4 milyon ang nasira.
Umabot naman sa P16.1 milyon ang pinsala sa mais, P1.7 million sa high value crops; at P174,300 sa mga babuyan at manukan.