UMAKYAT na sa P160.1 milyon ang pinsalang idinulot ng super typhoon Karding sa agricultura, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa pinakahuling ulat ng DA, sinabi nito na umabot na sa 3,780 magsasaka sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Central Luzon, CALABARZON at Bicol Region ang napinsala ng bagyo.
Idinagdag ng DA na nasira ang 16,659 ektarya ng taniman kung saan umabot sa 7,457 metric tons (MT) ang napinsala.
“Affected commodities include rice, corn, high value crops, and fisheries. Additional damage and losses are expected in areas affected by ‘Karding,’” sabi ng DA.