LALO pang lumobo ang pinsalang dulot ng super typhoon Karding matapos halos umabot ito sa P2 bilyon.
Sa pinakahuling ulat ng Department of Agriculture (DA), sinabi nito na kabuuang 148,091 ektarya ng mga pananim sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON at Bicol Region ang nasira ni ‘Karding’.
Ayon pa sa DA, umabot sa 114,446 metric tons ng produksyon ang nawala sa pananalasa ng super typhoon.
Aniya, tinatayang 88,520 magsasaka ang nawalan ng kita dahil kay ‘Karding.’
“Affected commodities include rice, corn, high value crops, livestock and poultry, and fisheries. These values are subject to validation. The increase in overall damage and losses is due to additional reports on rice, corn, high value crops, livestock and fisheries in Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon and Bicol Region,” ayon pa sa DA.