UMABOT na sa P746.5 milyon ang pinsala sa agrikultura dahil sa walang tigil na pag-ulan at mga pagbaha sa MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga region dulot ng shear line, intertropical convergence zone (ITCZ), low pressure area (LPA) at northeast monsoon.
Sa pinakahuling bulletin ngayong Lunes, idinagdag ng DA na 80 porsiyento o P597.3 milyon ng mga napinsala ay mga palayan na aabot sa 33,873 ektarya.
“Based on assessments made by the DA Regional Field Offices (RFOs), damage and losses have been reported in MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, and Caraga regions amounting to P746.5 million affecting 36,307 farmers, with production loss of 14,158 metric tons (MT) covering 41,721 hectares of agricultural areas,” sabi ng DA.
Idinagdag ng DA na bukod sa palay, kabilang sa mga napinsala ay maisan, kung saan umabot na sa P113.9 milyon o 7,637 ektarya ang napinsala; high value crops, P34.4 milyon at babuyan at manukan, P1.02 milyon.