Pagalingan sa kantahan nauwi sa saksakan

SUGATAN ang isang obrero nang saksakin ng katrabaho makaraang magtalo sa kung sino sa kanila ang may magandang boses Linggo ng gabi sa Lucena City, Quezon.


Nagtamo ng sugat sa kaliwang braso si Robert Raterta, 35, makaraang atakihin ni Elmer Monares, 26.


Ayon sa ulat, nag-away ang dalawa sa kanilang barracks sa Southern Luzon State University compound alas-7 ng gabi sa kung sino ang mas magaling kumanta.


Galing umano ang dalawa, na kapwa nakainom, sa birthday party kung saan sila nagtagisan sa pagkanta sa videoke.


Nadakip si Monares ng mga rumespondeng pulis.