INIUTOS ni Pangulong Duterte ang agarang pagpapalabas ng P4 bilyon pondo na gagamitin ng mga lokal na pamahalaan na sinalanta ng Typhoon Odette.
Ayon sa tanggapan ni Senador Bong Go, inatasan na rin ng pangulo ang pagpapalabas ng pondo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siya namang mangangasiwa sa pagbibigay ng P5,000 ayuda sa bawat pamilyang apektado ng bagyo.
“Meanwhile, the Office of the Executive Secretary is directed by President Duterte to release P4 billion funds for typhoon-affected LGUs by Thursday or Friday,” ayon sa kalatas na ipinalabas ng tanggapan ni Go.
“The President also instructed to download funds to DSWD for the P5,0000 financial assistance per family,” dagdag pa nito.
Nitong Miyerkules, sinuguro ni Duterte na maipalalabas ang pondo para sa mga nasalanta nang dalawin niya ang Siargao at Dinagat Islands na matinding tinamaan ng bagyong Odette.