Vilma Santos happy para kina Edu at Cherry Pie

HAPPY si Vilma Santos para sa ex-husband na si Edu Manzano at sa partner niya ngayon na si Cherry Pie Picache.

Ito ang naging sagot ni Vilma nang tanungin ng anak nila ni Edu na si Luis Manzano sa relasyon ng dalawa.

“Grabe ka! Ang dami-daming tumatawag sa akin, nag-iinterbyu, hindi ko sinasagot, anak. Ang sabi ko, I don’t want… ayokong makialam sa isyu na ‘yan…” sagot ni Vilma sa anak.

“It’s just that… what’s important, I guess is, puwede ko lang i-share, I’m happy. I’m happy, I’m happy,” dagdag pa ni Vilma.

Hiling niya ang best para sa new couple.

“You know naman si Eduardo, your dad, and Pie is a very close friend of mine. At this point in time ng buhay natin, ang pinakaimportante lang is nandiyan ang respeto at pagmamahal, so I wish them all the best,” chika niya.