TINATAYANG nasa P882,700 halaga ng mga tilapia ang nasayang dahil sa fishkill na sinasabing dulot ng pag-aalburuto ng Taal volcano.
Ayon sa report ng Office of Civil Defense, kulang-kulang sa 10,000 kilo ng tilapia ang nasayang simula noong Hulyo2.
Dahil dito, 13 mga mangingisda na ang apektado sa nasabing fishkill.
Sa pagsusuri, sinasabing namatay ang mga isda bunsod ng “low dissolved oxygen” sa lawa.