BINILI na ng Department of Agriculture ang mga bawang mula sa Lubang, Occidental Mindoro, matapos mapaulat na na nabubulok na ang mga inani ng mga magsasaka sa bayan.
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni DA Undersecretary Kristine Evangelista na gagamitin ang mga bawang bilang punla para sa pagtatanim.
“Yung natirang bawang sa Lubang, hindi na po yan itatapon dahil binili na ng DA-MIMOROPA sa ilalim ng High Value Crops Development Program nito,” sabi ni Evangelista.
Nauna nang sinabi ni Lubang, Occidental Mindoro Michael Lim Orayani na nabubulok na ang mga native na bawang sa munisipalidad dahil sa hindi nabibili.
“At the same time, inihahanda na rin natin ang mga institutional buyers. As of now sa Kadiwa natin, pinupush yung pagbebenta ng native garlic pero hopefully we will be able to encourage yung ating tindera sa palengke na magbenta ng native garlic kasi napansin natin na iilan lang po ang nagbebenta ng native garlic pagdating sa wet market,” sabi ni Evangelista.