Quezon niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

NIYANIG ng magnitude 4.4 na lindol ang Quezon alas-10:28 Miyerkules ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na naitala ang pagyanig na may lalim na tatlong kilometro, walong kilometro silangan ng Real, Quezon.

Naramdaman ang Intensity IV sa Real, Quezon; Intensity III sa Lucban at Infanta, Quezon; at Maynila.

Samantala, naitala rin ang Intensity II sa General Nakar, Quezon at Intensity I sa Quezon City.

Hindi naman inaasahan ang aftershock at pinsala sa nangyaring lindol.