Mister hinataw ni misis ng dumbbel sa Iloilo, patay

NASAWI ang isang 62-anyos na lalaki matapos siyang hatawin ng kanyang misis ng dummbel sa bayan ng Zarraga sa Iloilo nitong Linggo.

Natagpuan ang bangka ng lalaki, 62, sa kanilang bahay na duguang nakahandusay sa sofa sa barangay Poblacion Ilaud.

Ang kanyan misis ng 59-anyos ay kasalukuyang hawak ng pulisya.

Sinasabing may sakit sa pag-iisip ang suspek.

Ayon sa report ng pulisya, umuwi ng Pilipinas ang biktma mula sa Saudia Arabia kung saan siya doon nagtatrabaho bilang isang engineer, para alagaan ang misis na dating guro.

Sa interbyu sa radio, sinabi ni Zarraga police chief Capt. Dandy Ilalto, tumawag sa kanilang himpilan ang suspek para i-report ang nangyari sa mister.

Ayon sa suspek napatay niya ang kanyang asawa matapos niyang hatawin ng dumbbel na may bigat ng 10 kilo. Anya, pinatay niya ang mister dahil sa may bumubulong anya sa kanya.

Ayon sa pamilya ng mag-asawa, may diperensiya sa pag-iisip ang suspek at umiinom ito ng maintenance medicine para sa kanyang sakit. Mahigit 30 taon nang nagsasama ang mag-asawa ngunit wala silang anak.