NIYANIG ng magnitude 5.0 na lindol ang Surigao del Sur kaninang alas-12:43 ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng Phivolcs na naitala ang lindol na may lalim na 11 kilometro, 35 kilometro hilaga ng Cortes, Surigao del Sur.
Naramdaman ang Instrumental Intensity II Tandag, Surigao del Sur samantalabg Instrumental Intensity I sa Cabadbaran aCity, Agusan del Norte.
Ayon sa Phivolcs, wala namang inaasahang pinsala, bagamat maaaring makaranas ng mga aftershock.