CLOY couple Son Ye-jin, Hyun Bin may baby na

NANGANAK na ang Korean actress na si Son Ye-jin walong buwan matapos silang ikasal ng kanyang co-star sa hit K-drama na Crash Landing On You na si Hyun Bin.

Nagsilang si Ye-jin ng isang baby boy nitong Nobyembre 27, na kapwa kinumpirma ng kani-kanilang entertainment agencies.

Matatandaang ikinasal ang dalawang Korean superstar noong Marso 31, 2022.

Kapwa naging malapit sa puso ng mga Pinoy ang dalawa matapos silang kagiliwan sa Netflix series na Crash Landing On You sa kasagsagan nang ipinatupad na quarantine ng pamahalaan dahil sa pandemya.