Medicine kit sa ‘Paeng’ victims unahin – BBM

IPINAHAHANDA ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga medicine kit na dapat ipamigay sa mga biktima ng bagyong Paeng.

Sa isinagawang briefing sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte, sinabi ni Marcos na kailangan bigyan din ng Department of Social Welfare and Development ng mga gamot ang mga biktima ng bagyo.

“We will have to supply kasi naghahanap din ang tao ng gamot. That’s one aspect na hindi natin masyadong napagtuunan – paano tayo magbibigay ng gamot,” ayon kay Marcos.

“Siguro puwede natin unahan. Huwag na natin hintayin ‘yung mga prescribed medicine. Magdala na tayo ng mga ‘yung simple lang, ‘yung mga para sa sipon, ‘yung para sa ubo, para sa sirang tiyan para, you know, all the common ailments can be cured by non-prescription medicines,” dagdag pa nito.