HABANG patuloy ang pananatili ng mga Chinese vessel sa West Philippine Sea, tuloy pa ang pangingisda ng mga Pinoy fisherment sa bayan ng Masinloc sa Zambales.
“So far this time po ang bayan ng Masinloc, ang mga mangingisda ay naghahanap-buhay nang maayos,” pahayag ni Mayor Arsenia Lim sa isang panayam sa radyo Huwebes ng umaga.
Ayon sa alkalde, wala namang nararanasang kung anong problema o conflict ang mga mangingisda sa lugar sakabila ng mga girian na namamagitan sa bansa at sa China dahil sa patuloy na pag-okupa ng huli sa teritoryo ng Pilipinas.
Sinabi ni Lim na hangga’t hindi ginagalaw ang kanyang mga kababayan ay hindi muna siya hihingi ng tulong sa Malacanang.
“Wala naman this time. Kasi kung meron po, katulad noong una na, sinumbong ko naman agad sa Malacanang yun. Hindi po tayo papayag na maagrabiyado ang mga maliliit nating kababayan,” dagdag pa ng opisyal.