SINABI ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi siya magdedeklara ng state of calamity sa kabila nang nangyaring magnitude 7.0 na lindol sa bansa.
“Generally, ang SOP diyan, ang state of national calamity ‘pag apektado ang tatlong region, automatic, actually automatic ‘yun eh. Hindi naman naapektuhan ang tatlo. So far, we can say that it’s Region 1 and CAR. And so I don’t think it’s necessary right now to declare a national emergency,” sabi ni Marcos sa kanyang press conference.
Gayunman, patuloy anya ang pagmomonitor sa mga impormasyong darating mula sa mga probinsiya at saka doon babase ang pamahalaan kung kailangan magdeklara ng state of calamity.
“I’m sure marami pa tayo mababalitaan, marami pang impormasyon na hindi pa nakarating sa atin — baka mangyari ‘yun. I hope not. Kasi sana limited na nga dito sa Abra hanggang sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union. ‘Yung mabigat yata ‘yung sa… Sa amin sa Ilocos Norte, I spoke to the governor, sabi niya mukha namang so far may structural damage, wala naman kaming casualty,” dagdag ni Marcos.