NIYANIG ng magnitude 6.1 na lindol ang Calatagan, Batangas alas-5:50 ng umaga ng Linggo, ayon Philippine Institute of Volcanogy and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng Phivolcs na may lokasyon ang lindol, na may lalim na 132 kilometro, na 21 kilometro hilaga ng Calatagan (Batangas).
Naramdaman ang Intensity III sa Quezon City.
Base naman sa intrumental intensities, naitala ang Intensity IV sa Puerto Galera, Oriental Mindoro; Intensity III sa Calapan City, Oriental Mindoro; at Malolos City, Bulacan at
Intensity II sa Marikina City.
Ayon sa Phivolcs, inaasahan ang mga pinsala at aftershock.
Hindi naman ito magdudulot ng tsunami sa kabila na naramdaman ito sa karagatan ng Batangas.