NIYANIG ng magnitude 5.4 na lindol ang Surigao del Sur kaninang alas-9:12 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Naitala ang lindol na may lalim na 18 kilometro, 43 kilometro hilaga ng Cortes, Surigao del Sur.
Naramdaman ang instrumental intensity II sa Cabadbaran City, Agusan del Norte at Intensity I sa Nabunturan, Davao de Oro; at Tandag, Surigao del Sur.
Wala namang inaasahang pinsala bagamat posibleng makaranas ng mga aftershocks, ayon sa Phivolcs.