INUGA ng magnitude 5.3 na lindol ang Leyte alas-12:39 ng umaga ngayong Lunes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Idinagdag ng Phivolcs na naitala ang lindol na may lalim na apat na kilometro, 10 kilometro katimugan, 58 degrees kanluran ng Burauen, Leyte.
Naramdaman ang intensity 5 sa Burauen, Ormoc City; Kananga, La Paz, Julita, at Pastrana, Leyte.
Intensity 4 naman sa Dulag, Santa Fe, Barugo, Abuyog, Palo, Tolosa, Capoocan at Baybay City, Leyte; at Tacloban City.
Samantalang intensity 3 naman sa Cebu City at Talisay City, Cebu; Lawaan, Eastern Samar; Leyte, Leyte; at Biliran, Biliran.
Intensity 2 naman sa Borongan City at Taft, Eastern Samar; at Naval, Biliran.
Ayon sa Phivolcs, wala namang naitalang pinsala, bagamat inaasahan ang mga aftershocks.