Mag-utol na gumahasa sa bata nanlaban, bumulagta

DEAD on the spot ang magkapatid na itinuturong nanggahasa sa noon ay apat-na-taong-gulang nilang kamag-anak sa Iligan City, Misamis Oriental, makaraang makipagbarilan sa mga pulis na dadakip sa kanila sa Liloan, Cebu nitong Biyernes.


Ayon sa pulisya, nakatakas ang ama ng mga napatay at isa pa nilang kapatid, na kinasuhan din ng rape, sa gitna ng putukan alas-2:30 ng umaga.


Kinilala ang mga napatay na sina Arnel at Marlou Capangpangan. Tinutugis na ng pulisya ang ama nilang si Ariston at kapatid na si Ariston Jr.


Ayon kay Police Maj. Ronaldo Lumactod Jr, tagapagsalita ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group, ang mag-aama ay mga miyembro ng Tadtad/Ilaga, isang grupo ng mga Kristiyano na ginamit ng pamahalaan noong 1970s para lumaban sa mga Muslim pero kinalaunan ay naging kulto.


Sinabi ng pulisya na sinalakay nila ang isang bahay sa Purok Nangka sa Brgy. Lata sa Liloan kung saan nagtatago ang mag-aama.


Pero bago pa sila nakalapit sa bahay ay pinaputukan sila ni Arnel. Nasugatan si Lt. Zosimo Ravanes pero nakaganti ito at napuruhan ang suspek. Napatay rin si Marlou sa palitan ng putok.


Kinasuhan ng rape ang mag-aama noong 2018 matapos umano nila gahasain ang anak ng kanilang kamag-anak sa Iligan City.