ISINAILALIM ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid sa yellow alert bunsod ng pagnipis ng reserba nito ngayong Huwebes matapos na maraming planta ang huminto ang operasyon.
Ipinatupad ang yellow alert mula ala-1 ng hapon hanggang alas-3 ng hapon.
Umabot lamang sa 12,186 megawatts (MW) ang reserba ng Luzon grid kumpara sa 11,282 MW na pangangailangan nito o mas mataas lamang ng 469 MW.
Kabilang sa mga nakaranas ng outage ay ang QPPL, SLPGC 1, SLPG 3, SLPG 4, GMEC 1, GMEC 2, at Calaca 2.
Nauna nang inilagay ng NGCP ang Luzon grid sa red st yellow alert noong weekend dahil sa “generation deficiency.”