Digong sinibak OIC ng DAR, DENR

ISANG linggo bago tuluyan bumaba sa kanyang pwesto, sinibak ni Pangulong Duterte ang mga officer-in-charge ng Department of Environment at Agrarian Reform na sina Jim Sampulna at Bernie Cruz.

Pinalitan si Sampulna ni Joselin Marcus Fragada matapos italaga bilang bagong OIC ng DENR.

Samantala, itinalaga naman ni Duterte si David Erro bilang OIC ng DAR kapalit ni Cruz.

Hindi naman sinabi ng Palasyo kung bakit pinalitan sina Cruz at Sampulna sa kabila na walong araw na lamang ang natitira sa termino ni Duterte.