NASAWI ang apat na obrero nang matabunan ng gumuhong lupa at bato sa Ambaguio, Nueva Vizcaya nitong Biyernes ng umaga.
Ayon sa ulat, abala ang mga construction workers sa paggawa ng slope protection wall sa Sitio Naduntug, Brgy. Tiblac alas-8 nang biglang gumuho ang lupa.
Hindi agad umano nakaalis ang apat sa hinuhukay nilang pundasyon kaya natabunan sila.
Ayon sa ulat, may limang metrong lalim na ang nahuhukay ng mga biktimang sina
Rafael Villar, John Retamola,
Christopher Padua, at Carlos Tome nang maganap ang pagguho.
Agad namang rumesponde ang mga pulis at bumbero at magkatulong na naghukay sa pagbabakasakaling buhay pa ang apat.
Napag-alaman na Ilan sa mga biktima ang napugutan ng ulo nang mahagip ng backhoe na ginamit ng mga rescuer.
Inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang pananagutin sa insidente.