INAPRUBAHAN ng City Council sa Malaybay, Bukidnon ang isang ordinansang nagbibigay ng P50,000 cash para sa mga mag-asawang nagdiriwang ng 50 taon ng pagsasama.
Kilala bilang “Golden Wedding Ordinance,” sinabi ni City Councilor Nilo Aldeguer, ang punong may-akda ng ordinansa, na ang hakbang ay inaasahang magpapatibay sa ugnayan ng mag-asawa.
“The ordinance would encourage married couples to observe lasting loyalty and fidelity to 50 years or more of unsullied marital relationship,” ayon kay Aldeguer.
Sinabi niya na ang isang magandang relasyon sa pamilya ng mga mag-asawa ay kritikal sa pagbuo ng isang mapayapa at matatag na komunidad.
Para maka-avail ng cash incentive, dapat residente ang mag-asawa ng Malaybalay City nang hindi bababa sa anim na taon, ayon kay Aldeguer.