NASAKOTE sa Zamboanga City ang dalawang miyembro ng notoryus na “Warla Kidnaping Group” na responsable umano sa pagdukot sa ilang foreign nationals sa Metro Manila.
Dinakip si alyas Mickey, lider ng sindikato, at ang tauhan niyang si alyas Nilben sa Brgy. Tetuan, Zamboanga City, kung saan sila nagtago makaraang maaresto ang limang miyembro ng grupo kamakailan.
Nahaharap ang pitong suspek sa kasong kidnapping for ransom with serious illegal detention.
Inasunto ang mga miyembro ng “Warla Kidnaping Group” ng isang Taiwanese na nasagip ng mga otoridad sa Parañaque noong Setyembre 202.
Ayon sa pulisya, dinudukot ng grupo, na binubuo ng mga magagandang transgender, ang kanilang nakaka-date at hihingan ng pera kapalit ng kalayaan.
Kadalasan ay mga empleyado ng POGO at mga negosyante ang kanilang biktima.
Nag-ooperate ang grupo sa katimugang bahagi ng Metro Manila.
Napag-alaman na ginagamit ng mga suspek ang nakukuha nilang ransom money pantustos sa kanilang sex reassignment surgery.