Sanggol kinarga ng 3-anyos, nasawi

INIIMBESTIGAHAN na ng pulisya ang pagkamatay ng isang sanggol na kinarga umano sa leeg ng kanyang tatlong-taong-gulang na ate sa Tondo, Maynila kamakailan.

Wala nang buhay ang sanggol nang makita ito sa tabi ng kanyang naglalarong ate nitong Martes, ayon sa ulat.

Ang sanggol ay 20-araw pa lang at ang kanyang pamilya ay taga-Tondo.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, alas-11:30 ng uma­ga nang madiskubre na isa nang malamig na bangkay ang sanggol.

Sinabi ng isang kaanak na nadatnan niyang natutulog ang mga magulang ng mga bata kaya hinanap niya ang mga pamangkin.

Umakyat sa ikatlong palapag ng bahay ang kaanak at doon niya nakita ang baby na nakadapa habang katabi ang ate na abala sa paglalaro.

Nilapitan nito ang sanggol pero nagulat siya nang makitang hindi na ito humihinga.

Agad na dinala ang baby sa Ospital ng Tondo pero idineklara itong dead on arrival.

Ilang araw bago ito, nakita ng mga magulang ang kanilang 3-anyos na anak na kinarga ang sanggol sa leeg para iakyat sa ikatlong palapag ng bahay.