Kelot kulong sa bantang video scandal o sex

REHAS na bakal ang hinihimas ngayon ng lalaki na inaresto ng mga pulis sa Southern Leyte matapos nitong pagbantaan ang dating kasintahan na ikakalat ang sex video nito kung hindi makikipagtalik sa kanya.


Ayon sa pulisya, nasakote si Charlie Bual sa entrapment operation noong Lunes.


Nahaharap siya sa mga kasong paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act at Anti-Violence Against Women and Children Act, at Robbery-Extortion.


Sa reklamo ng biktima, pinagbantaan umano siya ni Bual na ikakalat ang mga maseselan niyang larawan at video sa social media kung hindi siya makikipagtalik dito.


Kung ayaw naman niyang makipag-sex, sinabi sa kanya ng suspek na magbigay na lang siya ng P21,000 kapalit ng mga pictures at videos.


Agad namang humingi ng tulong sa mga alagad ng batas ang biktima at ipinadampot ang ex-boyfriend