NAGKASUNDO na ang 80-anyos na lolo mula sa Asingan, Pangasinan na nakulong dahil sa pagnanakaw ng mangga at ang nagreklamo sa kanya, ayon kay Sen. Ping Lacson.
Nitong Huwebes ay nagtungo si Lacson at mga tauhan sa Asingan para kausapin si Leonardo Flores at ang complainant na si Robert Hong.
“Towards the end of the day, Robert and Lolo Narding agreed to amicably settle their case in court during the latter’s scheduled arraignment on February 8,” ani Lacson.
Inaresto si Flores nitong Enero 13 at nakalaya lamang makaraang maglagak ng piyansa nitong Biyernes.
Samantala, nilinaw ni Lacson na tatlong sako at hindi 10 kilo ang kinuha ng matanda na nagkakahalaga ng P12,000.
“Flores did steal three (3) sacks of mangoes worth P12,000, not ten (10) kilograms as earlier claimed. He sold the mangoes in the local ‘talipapa’ and had already spent the proceeds,” dagdag ng senador.
Humingi naman ng tulong si Hong kay Lacson para linisin ang kanyang pangalan sa mga maling impormasyon na kumakalat.
“Robert’s only request is for us to help him rectify the disinformation no matter how unintentional, but unfortunately has put him in a very bad light. He said that he only did what is right under the circumstances and does not deserve the treatment he is getting, mostly from the misinformed netizens and the public. We believed him,” ani Lacson.
Humingi na rin aniya ng paumanhin ang Asingan Police ukol sa maling impormasyon sa kaso at binura na ang post sa social media.