Vice ayaw ipahamak ang Pinas; umayaw sa pagtakbo

ISINAPUBLIKO ni Vice Ganda na minsan na siyang kinumbinse na tumakbo para sa isang mataas na posisyon pero tumanggi siya.

Sa panayam ng celebrity dermatologist na si Vicki Belo, sinabi ni Vice na wala siyang planong pumasok sa politika.

“Syempre I cannot sabihin never, baka lamunin. Hindi ko alam, pero sa ngayon, no,” ayon sa unkabogable TV host-comedian.

Ini-reveal din ni Vice na tumanggi na rin siya nang minsang kumbinsehin na tumakbo sa isang high position. Aniya, wala siyang alam sa paggawa ng batas.

“Pwede akong manalo, feeling ko pwede akong manalo kasi marami akong followers, marami akong fans, baka maraming bumoto sa akin, maraming natutuwa sa akin. Pero ako, sa sarili ko, ngayon, hindi ako magaling doon. So, bakit ako pupunta doon? Ano, ipapahamak ko ang Pilipinas? Not because you can win, you will run,” giit niya.