Itlog sa Pangasinan bagsak-presyo


BAKIT hindi n’yo gawing leche flan?


Ganito ang isa sa mga biro ng netizens makaraang magreklamo sa oversupply ng itlog ang mga nagtitinda sa Mangaldan, Pangasinan.


Ayon sa mga negosyante, palugi na umano nilang ibinebenta ang kanilang paninda dahil halos bumaha ito sa merkado.


Ang maliit na itlog ay prinesyuhan na lang nila ng P3 habang ang malalaki ay P6.50.


Sa mga pamilihan sa Metro Manila, naglalaro sa P6.50 hanggang P7 ang presyo ng medium-sized na itlog.


Sinabi ng opisyal ng Department of Agriculture sa Region 1, maraming probinsya ang nagbabagsak ng itlog sa Pangasinan “kaya parang marami tayong itlog na dumarayo rito kaya nangyayari ay nagiging mura ang itlog.”