Ina nagbenta ng sanggol online, tiklo

ARESTADO ang babae na ibinebenta umano ang kanyang isang-taong-gulang na anak online sa Tagum City.


Dinakip noong Martes ang suspek makaraang iabot ang bata sa undercover policeman kapalit ng P200,000 cash.


Nagtangka pa umanong tumakas ang suspek pero nasakote ito ng mga nakaabang na alagad ng batas.


Nagsagawa ng entrapment ang pulisya makaraang isumbong ng ilang netizens ang suspek na ibinebenta ang anak sa Facebook.


Nahaharap ang ina sa mga kasong paglabag sa Republic Act 10364 o Anti-Trafficking in Persons Act at Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.