Ilang pagyanig naitala sa Kanlaon

NAITALA ang 11 mahihinang pagyanig sa Kanlaon Volcano sa Bago City Occidental, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na nagsimula ang lindol sa palibot ng Kanlaon alas-8:12 ng gabi noong Pebrero 8, 2022.

“Ground deformation data…indicate slight inflation of the middle to upper edifice since mid-October 2021, while short-term deflation since December 2021 and January 2022 was recorded…and electronic tilt monitoring, respectively, on the southeastern flanks,” ayon pa sa Phivolcs.

Ayon pa sa Phivolcs na nananatili naming mahina lamang ang pagbuga nito ng sulfur dioxide mula sa bunganga ng bulkan na aabot sa 387 tonnes kada araw simula noong Oktubre 2021.

Nananatili naming nakataas ang Alert Level 1 sa Kanlaon Volcano kung saan bawal pumasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ).