MAGBIBIGAY ng P5,000 financial assistance ang gobyerno sa mga pamilya na labis na sinalanta ng bagyong Odette.
Ayon sa Malacanang, ipamamahagi ang cash aid ng mga local government units (LGU) at Interior and Social Welfare departments, gaya nang ipatupad ang pagbibigay ng ayuda sa pamamagitan ng social emelioration program bunsod ng pamdemya.
“The setup will be similar to the cash assistance distributed by LGU during the imposition of lockdowns,” ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Magsisimulang ipamahagi ang ayuda sa Miyerkules, Disyembre 29.
Inatasan na rin ang mga lokal na pamahalaan na i-identifiy ang mga pamilya na tatanggap ng ayuda.
“What’s important is to identify the families that will receive cash assistance. These are the most affected families, severely affected families,” paniniyak pa ni Nograles.
Hindi pa tinukoy ng gobyerno kung ilang pamilya ang bibigyan ng ayuda na una nang ipinangako ni Pangulong Duterte nang bumisita siya sa mga lugar na sinalanta ng bagyo noong nakaraang linggo.