NAGBABALA ang Department of Health (DoH) kaugnay ng nakahahawang Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD) matapos tamaan ng sakit ang mahigit 1,000 bata sa isang bayan sa Batangas.
Sinabi ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na bagamat bata ang tinamaan nito, lahat ay maaaring mahawaan ng sakit.
“Ang komplikasyon po ng HFMD, although hindi sya common, nagkakaroon ng meningitis, encephalitis, or polio-like disease,” sabi ni Vergeire.
Idinagdag ni Vergeire na inaalam pa ang pinagmulan ng sakit HFMD.
Sinuspinde na ang klase sa 15 barangay sa San Pascual, Batangas matapos tamaan ang 150 bata.
Kabilang sa apektadong barangay ng Pook ni Kapitan, Pook ni Banal, Resplanador, Natunuan North, Antipolo, Mataas na Lupa, Sambat, at Sto. Nino.