Gulong ng kotse na-flat sa pustiso

NAPAKAMOT na lang ng ulo ang isang residente ng Iligan City, Lanao de Norte makaraang makitang butas ang gulong ng sasakyan niya dahil sa pustiso.


Sa FB post, ikinuwento ni Leo Ricarte na sakay siya ng kanyang kotse alas-3 ng hapon noong Lunes nang makita niya na may nakadikit sa kanyang gulong.


Bumaba siya at tiningnan ito. Laking-gulat niya nang makita na isang pustiso ang nakabaon sa gulong.
Aniya nabutas ang bagong-bago niyang gulong. “Hindi lang kapani-paniwala kasi ang tibay nang pagkakagawa ng pustiso,” sabi ni Ricarte.


Dahil sa insidente ay kinailangan niyang bumili ng bagong gulong.


Sa kasalukuyan ay may higit 12,000 shares at 6,800 likes na ang post ni Ricarte.