MUNTIK ma-high blood ang isang ginang sa Solano, Nueva Ecija nang bumungad sa kanya ang P6.7 milyon bill ng kuryente.
Agad na ipinost ni ginang sa Facebook ang photo ng bill na ikinagulat din ng maraming netizens.
Aniya, inasahan na niyang tataas ang bill ng kanilang kuryente pero muntik na siyang atakihin sa puso nang makita na umabot ito sa mahigit P6 milyon.
“Haayyy… ayus ayusen u met apo ti pinag READING U urayak lang agkapsot inbag laingin ta awan sakit pusok wenno high blood ko,” ayon sa ginang.
Ipinaliwanag naman ng Nueva Vizcaya Electric Cooperative (Nuvelco) na nagkamali sa meter reading ang kanilang tauhan.
“The meter reader mistakenly included the Previous Reading as part of the Present Reading causing the system to calculate it incorrectly,” ayon sa electric cooperative sa kalatas.
“Previous reading is 401 and Present Reading should have been 467 but it was erroneously input as 401467. Nevertheless, appropriate actions have been undertaken to correct the mistake,” dagdag nito.