SUSPENDIDO na ang face-to-face classes sa lalawigan ng Sultan Kudarat hanggang Abril 15.
Samantala sa General Santos City ay wala ring face-to-face classes hanggang Biyernes, Abril 5.
Sa Executive Order No. 70 na inisyu ni Vice Governor Raden Sakaluran, pansamantalang isasagawa ang alternative modes of learning at teaching para tuloy pa rin ang klase.
“Alternative modes of learning and teaching may be implemented to ensure continuity of education while face-to-face classes are suspended,” ayon kay Sakaluran.
Pinirmahan ang order nitong Lunes at epektibo ito hanngang Abril 15.
Umabot sa 44 degrees Celsius ang heat index sa lalawigan, dahilan para isuspinde ang F2F classes.
Sa General Santos City, iniutos ni Mayor Lorelie Pacquiao ang suspensyon ng face-to-face classes mula Abril 2 hanggang 5 sa pampubliko at pribadong paaralan.
Maaring i-revoke o amyendahan ang nasabing kautasan, depende sa magiging sitwasyon sa mga susunod na araw.
Sa kabila nito, tuloy pa rin ang klase ng mgamag-aaral sa pamamagitan ng alternative modes of learning.