SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagpadala na ng mga miyembro ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para masuri ang mga imprastraktura sa Metro Manila at kalapit na mga lugar matapos ang magnitude 6.6 na lindol na yumanig sa maraming bahagi ng Luzon Sabado ng madaling araw.
Idinagdag ni Roque na wala namang iniulat na nasaktan sa nangyaring malakas na paglindol sa Lubang Island; Occidental Mindoro; Marinduque; Romblon and Palawan.
“The DPWH has already deployed teams that would assess the structural integrity or damages, if any, of key infrastructure in Metro Manila, CALABARZON, and MIMAROPA,” aniya.
Nanawagan din siya sa mga residente na manatiling maging alerto.
“We ask residents of affected areas to remain alert and vigilant, take precautionary measures, and cooperate with their respective local authorities in case of an evacuation,” dagdag ni Roque.
Una na ring nagbabala ang state seismology bureau na posibleng magkaroon ng mga aftershocks matapos ang magaksunod na lindol kaninang madaling araw.