17 bagong kaso ng Delta variant naitala

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ito ng 17 karagdagang kaso ng Delta variant ngayong Sabado.

Sa kabuuan, meron ng 64 Delta variant cases ang naiulat ng kagawaran.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na tatlo na lamang ang nananatiling may sakit, samantalang gumaling na ang 14 mula sa virus.

Idinagdag ni Vergeire na 12 sa mga nahawa ay mga lokal na mga kaso at isa ay isang returning overseas Filipino at ang apat na iba pa ay bineberipika pa.

Siyam sa 12 Pinoy na tinamaan ng Delra variant ay mula sa Metro Manila, samantalang tatlo ay galing sa Calabarzon region.